Friday, July 24, 2009

BANWAGON., RALLY AT LIWASAN BONIFACIO

Banwagon

..Walang prof. Walang Klase. Walang pera este walang kwenta, walang kwenta ang pasok ko, nagsayang pa ako ng isang daang piso para lang makahanap ng magandang edukasyon dito sa pamantasan na to pero sa sitwasyon na'to aba, sayang din nman ang 922 na tuition fee na binayad ko. Pero nasulit ko naman ang 100 ko at susulitin ko pa ang 922 na binayad ko dito. Kani-kanina lang nagkaroon kami ng pagtitipon ng aking mga ka-collective. Magkakaroon daw ng Banwaygon. Hello?? anong alam ko dun?? kayo ba alam no kung anong ibig sabihin ng banwaygon? Tsaka ko lang napagtanto na ang ibig sabihin pala ng banwaygon ay ang paglibo't sa isang pasilio upang magpahayag ng sinasaloob ng bawat estudyante. Matapos ang mahabang diskusyunan, nagsimula na kaming umakya't sa rurok ng main building at magprotesta. Grabe ang pageksperyens na aking naranasan, hindi ko namalayan na nalibo't na pala namin ang buong building. Wala kaming ginawa kundi Sumigaw at magtatatalak sa aming minimithing kalayaan! Ayus lang sa amin yun, dahil alam naman namin ang aming pinatutungkulan. Matapos ang manakit-nakit na hita sa paglalakad, akyat' panaog at pagnga-nga-nga-wa sa bawat klasroom. Hindi pa dyan natatapos ang aming paghihirap. Aba, Rally na ito.

Rally

Natapos ang banwaygon ng mapayapa, nagtipon tipon kaming mga collective ng LFS para sa malawakan at matinding rally patungong Liwasan Bonifacio. Tirik na tirik si haring araw, basang basa na kami sa sarili naming pawis, dugyot na kami sa mga palasak na usok na dumidikit sa aming mga damit, ang baho ng hanging lumilibot ay amin nang nalalanghap, Usok, hininga, may masamang hangin din, lam un na un kung anu ung un na un. Grabe talaga ang mga pinoy. Ibang klase ang karanasan na iyon. Ni Minsan kasi hindi sumagi sa isip ko na sumama o makiisa sa ganoong protesta. Sakit lamang sila sa ul, puro pampaingay lang ang ginagawa nila, pagkakalat sa kalye. Dun ako nagkamali, oo, alam kong may gusto silang ipabago pero higit pa don ang gusto nilang mangyari. At ngayon, ganun din ang nilalayon ko na kamtin, Ang Makapagsapalaran para lang sa kalahatan. Lumaban para sa karapatan ng bawat isa.

Liwasan Bonifacio

Mabasa-basang likod, mamalat-malat na gilagid ang manu-nuyo na daluyan ng laway. Yan at marami pang iba ang aming nalangip sa dalawang oras at kalahati naming paglalakad simula P.U.P hanggang liwasan. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na ata kaya pang tumagal sa program kaya naman umuwi na ako't lumamon ng mainit na kanin sa malabalon kong bituka.

"Hay ang Buhay nga naman, lalaban ka hanggat kaya mo basta meron kong gustong maatim."

Thursday, July 23, 2009

2D,ATE KHAHAI, AT ANG BACLARAN

Klasrum ng 2D

..Isang mabasa-basang umaga! aba! ang buong klase halos mapuno na ng kulay puti. Nagpapahiwatig lang sa akin na kailangan ko na rin magpagawa ng uniporm ko. Naalala ko tuloy, nung hayskul pa ako, tawag d2, tawag doon, akyat panaog ako sa hagdanang napakintab animo'y mababasag sa bawat pansandig mo dito. Ang pagtilaok ng napakalakas na atiting ng bell, ang malamyos na hangin mula sa mga nagraratsadahang sasakyan sa haywei. Ang mga ka-klase kong naguutakan sa grades, may iba pa dyan: sipsipan ng utak sa teacher, meron din dyan simpleng tao, tahimik sa klase, pero sing ingay ng baboy kung magsalita pagwalang teacher. At pag may nakita kayong adik-adik na pamongol-mongol magdamit, sinto-sinto magsalita, aba walang ganyan sa min, baka si oplok lang yon. special mention. C omplok, isang 20 yrs. old na baliw na may pagtingin sa klasmeyt ko. Anyhow balik tayo sa aking tumatakbong kwento.
..Dahil sa katagalan ng pagdating ng aming propesor sa humanities, aming napagdisisyunan na lamang na bumaba't tumambay sa cubicle sa loob ng Charlie del Rosario Building dahil nga kami ay miyembro ng LFS. Wait!, ididiscribe ko muna ang loob nito. Pagpasok na pagpasok mo dito, makikita mo ang hile-hilerang cubicle. may kainitian dahil narin mayroon itong mababang kisame pero ang iilan naman ay mayroong gamit na ginagamitan ng kuryente, na umiikot ang elisi at nagbubuga ng hangin. Balik Tayo, ilang oras lang ay dumating na si Ate Cacai.

Ate Cacai

..Si ate cacai, may kaliitan, syempre meron syang buhok, may mukha din xa. Pagdating sa kanyang boses, akala mo naglublob xa sa ilalim ng balon sa sobrang lakas. Natural na sa kanya iyon dahil isa syang tapat na aktibista. Aktibista, may paninindigan! Sa pagdating nya, ipinakilala nya ang kanyang sarili at ganon din kami. Ilang sandali'y nagsimula na sya sa kanyang sermon sa amin. Kanyang inalathala sa pader ang aming tungkulin at tuntunin bilang ganap na LFS. Sa umpisa medyo inaantok ako sa kanyang mga berso, pero sa kalagitnaan, agad naman akong naging aktib. Hala! Cge! nag-likutan na ang mga bulate sa tyan ko, nagkalampagan na ang mga neurons at mga nerve cell ko sa utak ko. Panay ang kakalikot ko, hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Tapos naisipan ni ate cacai na mag-taba share! siguro nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng taba-share. it only means Talambuhay sharing! Gets?? Sa pagdaana ng ilang oras, minuto't seguno, tumapa't na ang mahabang linya sa sais na numero at ang maliit na l inya naman ay tumigatig na sa numerong tres. Aba! isa lang ang ibig sabihin nya, Walk-out na ako. Para hindi halata ang kabustusang ginawa ko, nagpaalam aq kay ate cacai na ako'y yayao na't maglalakad pahiwalay sa pasilyo na iyon. Sayang nga lang at hindi ko naabutan ang oras ko sa pagsasalaysay ng taba ko.

Baclaran

Matapos ang mahaba-habang, malamig-lamig at mangisay-ngisay na pagaantay ko na makababa sa termal ng tren sa buendia, at last nakalapag na ako lulan ng haytek na sasakyang panlupa. Dahil nga naiingit na ako sa aking mga kamag-aral, aba nagdalidali ako na magpunta sa isang lugar kung saan ito ay tampok dahil sa natural nitong kasikatan. Maituturing kong pangalawa ito sa pinakapuntahan ng mga tao, dahil dito, makabibili ka ng mura, madami at sulit na bilihin(damit , sapatos, pantalon, skirt, salong-suso, salong-talong, at kung anik-anik pa) ayun nga lang ay medyo may kababaan ang quality nito. alam niyo na ba kung saan ito? naku, tumpak ang iyong hinala, si Baclaran nga ito. Balik tanaw tayo sa aking paglalakbay, syempre hindi mapipigilan ng mga malilikot kung mata ang magmasid. Matapos ng aking pagmamasid sa mga kung anikanik, nagparaos ako ng lakad matuntun lamang ang aking hanap, alast! nakarating din. Agad akong bumili't sabik na umuwi sa bahay lulan ng sasakyang panlupat, isang medyo malaki't(jip) at isang maliit(bisekletang pinaaandar ng gasolina na may tatlong gulong) o tricycle.

Panu ba yan aking mga taga-hanga, iitsapwera muna ako't magtatime na ulit ako dito sa kompyuter shop banda dito sa baba ng main building. oh cge na papaawat na ako. Salamat!

Wednesday, July 22, 2009

REST DAY, LUNGSOD NG BITUIN, AT ANG PINKAMALAMIG NA PARTE SA PINAS

Rest Day

...Miyerkules na pala, hindi ko namalayan na wala pala akong pasok, it's my rest day! pero ngayong araw na 'to nagpakasaya ako! as in. Nagkayayaan kac ang mga teacher ko nung hayskul na maglibang. Kaarawan kasi ng isa kong teacher at gusto nyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama kami. Gusto sana naming magmuni-muni at magayuno sa kakacgaw sa lungsod ng bituin o star city sa ingles.

Lungsod ng Bituin

..Bago pa kami magtagpuan sa lungsod ng bituin, nagkaroon pa ng kaguluhan. Paano ba naman kasi pagdating ko sa school ko nung hayskul,hindi pa nakakaligo ang taong dapat na kasama ko. Sa sobrang tagal nya sa kakakuskus ng kanyang libag, nainip ako't nainis, kaya naman ang ginawa ko'y nagdali-dali ako sa pag-alis dahil nainis na ng tuluyan ang dalawa kong teacher. Paglapag ko lulan ng sasakyang panlupa, agad akong nagpa-arirang sa lakad. Sobrang init ng daanan, tirik na tirik ang araw na nagmamasid sa akin, kulang na lang buhusan ako kumukulong tubig sa sobrang init. At last!, narating ko ang lungsod ng bituin. Aking napansin na walang naghihiyawan sa loob, ni, kalampag ng mga ngala-ngalang sabik sa katatakutan ay hindi ko naririnig. Ilang sandali lang ay naaninag ko na ang dalawa kong teacher. Sarado pala ang buong establisyemento ng star city, grabe ang lungkot ko at akala ko nasayang ang lahat ng pagod ko.

Pinaka-malamig na Parte sa Pilipinas

..Oh akala nyo pagod talaga ako noh..haha nagkakamali kayo dahil lalo akong naging game na game ng sabihin ng teacher ko na magpadulas na lang kami sa madulas na malamig na matigas na yelo sa bandang gitna ng pasyalan, Pasyalang may binubugang malamig na hangin, ang tawag nila dito SM Mall of Asia. Tahimik lang ako, pero sa loob-loob ko nagtatalunan na ang mga dugo ko sa puso sa sobrang galak, kulang na lang ay iindayog ko ang aking pwit sa saya. Nang makarating kami sa MOA, pumunta muna kami sa loob ng departamento para antayin ang aking aligagang-aligagang kaibigan. Nang matuntun nya na kami, aba, akala mo wala syang kaibigan, hindi sya nagsasalita, mukhang nagtampo ata. Aba, kasalanan nya iyon, kung hindi ako nauna baka hindi matutuloy ang pagpapadulas namin noh. At ayun na nga, dumeretso na kmi sa yelong isketingan or (ice skating rink) ng mga tao. Sobrang sarap ng aking pakiramdam, dahil unang pagkakataon ko ito, aba, nagpaindayog ako sa galak, matumba'tumba ako dahil hindi ako gamay sa nangyayari. Ilang minuto lang ay natuto na ako pero hindi gaon kabihasa. Ang galing galing ko, bilib na bilib ako sa nagawa ko kahit kokonting pagpapadulas lang ang nagawa ko ang mahalaga natuto ako. Ang sarap ng araw na 'to. Matapos ang isang oras sa yelo, aming napagplanuhan na uulit-ulitin namin ito. Congratulations! Super Tutoy!

Monday, July 20, 2009

TREN, DRAMA AT BALIBOL

5:30 Mercedes Benz

...Here we go again, inaantok pa ako sa tuwing gigising ako sa ganitong oras..pero kailangan, aba ano pa ang silbi mo sa mundo at tawagin kang iskolar ng bayan. Nagdalidali ako sa pagligo't hindi ko namalayan ang oras, ala-sais na! kailangan ko nang umalis baka mahuli pa ako...biglang my pumitik sa inaantok kong utak! -"adik! try mo mag-tren, bago na, mabilis pa, Mura pa..Sulit!"- aba! akala nyo eksena sa komersyal noh..pero sa totoo lang napaisip tlga ako, yun na-try kong sumakay lulan ng sasakyang panglupa o TREN.











TREN, sa terminal ng bicutan

...Buti naman at naisipan ng ating Pangulong si Gloria ang "pagpapagawa" ng bagong tren o mas kilala sa tawag ng PNR(Philippine National Railways), aba dapat lang dahil magtatapos na ang kanyang termino..ayun ay kung bababa sya o mandadaya pa xa, basta isa lang ang masasabi ko sa'yo pinakamamahal kong pangulo " 2 thumbs up" para sa proyekto mong ito. Sumasakay na rin ako ng tren simula ng pumasok ako sa kolehiyo, ngunit ang pagkakaiba nga lang ng dating tren ay bulok na't kinakalawang na ang mga pasilidad nito. Dati, bulok, mabaho, kalawangin, maingay, masikip, aalog- alog at higit sa lahat mga basang malambot na ewan na mga upuan. Hindi naman ay puro negatibo, aba bantog yan at ipinagmamalaki ko pa dahil sa ka-MURAhan ng pamasahe nito(cheap) at medyo mabilis kesa mag-komyut ka gamit ang jip. Ngayon, Aba! nagsi-luwaan ang mga mata ng pasahero ng maaninag nila ang bagong bihis ng tren. Bago, Mabango, maluwag, medyo may kabilisan na, at higit sa lahat nagtatayuang mga balahibo ang loob, ang ibig kong sabihin, malamig!. Ayun nga lang ang nagtaas ang pasahe sa presyong sobrang mahal! aba, akalain mong 5 piso ang itinaas kung magmumula ka ng EspaƱa hanggang bicutan, ayus lang naman yon, basta't wag lang mangungurakot ang mga namamahala dito. Naiintindihan naman naming mga pasahero na pinaghahandaan pa nila ang pagpapaganda't pagpaparami ng mga ito.

...Balik tayo sa aking unang karanasan sa bagong tren, grabe, ang aga ko pa pala sa istasyon, nagdali-dali pa ako't madapa-dapa sa kakatakbo't akyat baba. Ilang minuto lang ay dumating na ang Newly Imported Train, take note "IMPORTED", ba't nga ba imported? xempre dahil gawa 2 sa korea tapos dinala d2, nabalitaan ko din na ang South Korea pala ang nagpondo d2. Balik tayo, grabe ang gitgitan ng mga tagahanga nito, aba akalain nyong nakisiksik din ako! Alast! nakaupo rin ako sa bagong kulay orange na mala-MRT ang upuan. Nakakabilib dba!? 6:40 ng kami'y makaalis sa terminal ng bicutan, 7:05 ng kaming mga kapwa ko iskolar ay makalapag sa Terminal ng Sta. Mesa, P.U.P. Halos 45 mins ang natipid ko kumpara sa 1 oras at kalahati. At ayun na nga.

DRAMA

...Matapos ang maantok-antok na paghihintay sa mga propesor, ayun, wala talagang pumasok, kundi si Mr. ENGL 1013, 1:30 my pasok kame sa PE1013, napagdisisyunan ng mga kasamahan ko sa grupo sa humanities na huwag pumasok at manood na lamang ng play na iprinuduce ng Sining Lahi PUP,.habang nasa open-court: hala, sige ang hagaran, pa-keme epek pa ang mga kasama ko na hindi mo alam ang gusto hanggang sa sumama na sila. Panu ba naman kac, c manong ceazar, hindi mo malaman kung hinahunting ka o pinapabayaan ka lng. Hahaha, gusto nyo bang i-describe ko pa sa inyo kung anong itsura ni manong?? haha sa totoo lng, si manong, propesor namin. Medyo may katandaan na, pero wag ka! kakaiba xa sa lhat, i dont need to mention it kung bkit sya kakaiba. surprise! hehe. Dahil sa katandaan nya, akala mo my naririnig ka sa kanya pero sadyang gumagalaw lng ang kanyang bibig, otomatik baga. Balik na tayo sa istorya ko. Matapos na makaagpas kami sa mga mata ni manong, nagtatatakbo kami sa freedom park at umakyat sa south wing ng main. Alast! narating na namin ang bulwagan ni claro m. recto, guess wat? anong nagaganap sa loob, ASSEMBLY! walang play! as in wala na talaga, natapos na pala ang kanilang timeframe sa pagpapalabas. Pano ba naman, eh, huli na ng kami'y i-inform ni madam hernandez ng huma1013. At dahil dun, kailangan naming maghanap ng mag-aarte para sa amin. Badtrip tlaga. Nagcutting pa kame sa p.e para lang humabol sa dinedemand namin na DRAMA.

BALIBOL

...Hanep ang super hagaran na pagtakas sa p.e sa bandang hule, wala rin naman palang mapapala. Bumalik kame sa open-court, makulimlim, hindi naman malamig, pano naman lalamig eh naghahampasan ng bola ang bawat isa. ang isa kong kasama, na-warningan, pano naman kac, hindi xa nakakaatend ng klase, kawawa naman, hulaan nyo ang ginawa nyang kapalit sa pag-drop, naging-dakila namin syang alalay. "Ems, Gudluck!" Pero hindi naman nya yon kinagagalit bagkus kinatuwa pa nya hahaha, pasaway. As in todo-career nya ang pagtulong kay manong, sa pag buhat ng mga bola maging sa pagbuhat ng mga gamit ni tanda.

Matapos ang isang araw ng kalokohan, naalala ko sasakay ulit ako sa bagong tren. Oh, sa susunod na lng ulit tayo mag-talakayan at malapit na akong mag-time dito sa kompyuter shop, aba aking mga taga-hanga, to be continued muna, stay tuned sa mga istorya ko ha. Relax, take it easy, oh panu ba yan, ito muna ipa-published ko ha. Salamat!

sa araw na ito:
"Kung ang lahat ng bagay sa kapaligran mo'y nagbabago, aba magbago ka na rin, baka mahuli ka sa uso't talbugan ka pa ng tren."