Rest Day
...Miyerkules na pala, hindi ko namalayan na wala pala akong pasok, it's my rest day! pero ngayong araw na 'to nagpakasaya ako! as in. Nagkayayaan kac ang mga teacher ko nung hayskul na maglibang. Kaarawan kasi ng isa kong teacher at gusto nyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama kami. Gusto sana naming magmuni-muni at magayuno sa kakacgaw sa lungsod ng bituin o star city sa ingles.
Lungsod ng Bituin
..Bago pa kami magtagpuan sa lungsod ng bituin, nagkaroon pa ng kaguluhan. Paano ba naman kasi pagdating ko sa school ko nung hayskul,hindi pa nakakaligo ang taong dapat na kasama ko. Sa sobrang tagal nya sa kakakuskus ng kanyang libag, nainip ako't nainis, kaya naman ang ginawa ko'y nagdali-dali ako sa pag-alis dahil nainis na ng tuluyan ang dalawa kong teacher. Paglapag ko lulan ng sasakyang panlupa, agad akong nagpa-arirang sa lakad. Sobrang init ng daanan, tirik na tirik ang araw na nagmamasid sa akin, kulang na lang buhusan ako kumukulong tubig sa sobrang init. At last!, narating ko ang lungsod ng bituin. Aking napansin na walang naghihiyawan sa loob, ni, kalampag ng mga ngala-ngalang sabik sa katatakutan ay hindi ko naririnig. Ilang sandali lang ay naaninag ko na ang dalawa kong teacher. Sarado pala ang buong establisyemento ng star city, grabe ang lungkot ko at akala ko nasayang ang lahat ng pagod ko.
Pinaka-malamig na Parte sa Pilipinas
..Oh akala nyo pagod talaga ako noh..haha nagkakamali kayo dahil lalo akong naging game na game ng sabihin ng teacher ko na magpadulas na lang kami sa madulas na malamig na matigas na yelo sa bandang gitna ng pasyalan, Pasyalang may binubugang malamig na hangin, ang tawag nila dito SM Mall of Asia. Tahimik lang ako, pero sa loob-loob ko nagtatalunan na ang mga dugo ko sa puso sa sobrang galak, kulang na lang ay iindayog ko ang aking pwit sa saya. Nang makarating kami sa MOA, pumunta muna kami sa loob ng departamento para antayin ang aking aligagang-aligagang kaibigan. Nang matuntun nya na kami, aba, akala mo wala syang kaibigan, hindi sya nagsasalita, mukhang nagtampo ata. Aba, kasalanan nya iyon, kung hindi ako nauna baka hindi matutuloy ang pagpapadulas namin noh. At ayun na nga, dumeretso na kmi sa yelong isketingan or (ice skating rink) ng mga tao. Sobrang sarap ng aking pakiramdam, dahil unang pagkakataon ko ito, aba, nagpaindayog ako sa galak, matumba'tumba ako dahil hindi ako gamay sa nangyayari. Ilang minuto lang ay natuto na ako pero hindi gaon kabihasa. Ang galing galing ko, bilib na bilib ako sa nagawa ko kahit kokonting pagpapadulas lang ang nagawa ko ang mahalaga natuto ako. Ang sarap ng araw na 'to. Matapos ang isang oras sa yelo, aming napagplanuhan na uulit-ulitin namin ito. Congratulations! Super Tutoy!

No comments:
Post a Comment