Thursday, July 23, 2009

2D,ATE KHAHAI, AT ANG BACLARAN

Klasrum ng 2D

..Isang mabasa-basang umaga! aba! ang buong klase halos mapuno na ng kulay puti. Nagpapahiwatig lang sa akin na kailangan ko na rin magpagawa ng uniporm ko. Naalala ko tuloy, nung hayskul pa ako, tawag d2, tawag doon, akyat panaog ako sa hagdanang napakintab animo'y mababasag sa bawat pansandig mo dito. Ang pagtilaok ng napakalakas na atiting ng bell, ang malamyos na hangin mula sa mga nagraratsadahang sasakyan sa haywei. Ang mga ka-klase kong naguutakan sa grades, may iba pa dyan: sipsipan ng utak sa teacher, meron din dyan simpleng tao, tahimik sa klase, pero sing ingay ng baboy kung magsalita pagwalang teacher. At pag may nakita kayong adik-adik na pamongol-mongol magdamit, sinto-sinto magsalita, aba walang ganyan sa min, baka si oplok lang yon. special mention. C omplok, isang 20 yrs. old na baliw na may pagtingin sa klasmeyt ko. Anyhow balik tayo sa aking tumatakbong kwento.
..Dahil sa katagalan ng pagdating ng aming propesor sa humanities, aming napagdisisyunan na lamang na bumaba't tumambay sa cubicle sa loob ng Charlie del Rosario Building dahil nga kami ay miyembro ng LFS. Wait!, ididiscribe ko muna ang loob nito. Pagpasok na pagpasok mo dito, makikita mo ang hile-hilerang cubicle. may kainitian dahil narin mayroon itong mababang kisame pero ang iilan naman ay mayroong gamit na ginagamitan ng kuryente, na umiikot ang elisi at nagbubuga ng hangin. Balik Tayo, ilang oras lang ay dumating na si Ate Cacai.

Ate Cacai

..Si ate cacai, may kaliitan, syempre meron syang buhok, may mukha din xa. Pagdating sa kanyang boses, akala mo naglublob xa sa ilalim ng balon sa sobrang lakas. Natural na sa kanya iyon dahil isa syang tapat na aktibista. Aktibista, may paninindigan! Sa pagdating nya, ipinakilala nya ang kanyang sarili at ganon din kami. Ilang sandali'y nagsimula na sya sa kanyang sermon sa amin. Kanyang inalathala sa pader ang aming tungkulin at tuntunin bilang ganap na LFS. Sa umpisa medyo inaantok ako sa kanyang mga berso, pero sa kalagitnaan, agad naman akong naging aktib. Hala! Cge! nag-likutan na ang mga bulate sa tyan ko, nagkalampagan na ang mga neurons at mga nerve cell ko sa utak ko. Panay ang kakalikot ko, hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Tapos naisipan ni ate cacai na mag-taba share! siguro nagtataka kayo kung ano ang ibig sabihin ng taba-share. it only means Talambuhay sharing! Gets?? Sa pagdaana ng ilang oras, minuto't seguno, tumapa't na ang mahabang linya sa sais na numero at ang maliit na l inya naman ay tumigatig na sa numerong tres. Aba! isa lang ang ibig sabihin nya, Walk-out na ako. Para hindi halata ang kabustusang ginawa ko, nagpaalam aq kay ate cacai na ako'y yayao na't maglalakad pahiwalay sa pasilyo na iyon. Sayang nga lang at hindi ko naabutan ang oras ko sa pagsasalaysay ng taba ko.

Baclaran

Matapos ang mahaba-habang, malamig-lamig at mangisay-ngisay na pagaantay ko na makababa sa termal ng tren sa buendia, at last nakalapag na ako lulan ng haytek na sasakyang panlupa. Dahil nga naiingit na ako sa aking mga kamag-aral, aba nagdalidali ako na magpunta sa isang lugar kung saan ito ay tampok dahil sa natural nitong kasikatan. Maituturing kong pangalawa ito sa pinakapuntahan ng mga tao, dahil dito, makabibili ka ng mura, madami at sulit na bilihin(damit , sapatos, pantalon, skirt, salong-suso, salong-talong, at kung anik-anik pa) ayun nga lang ay medyo may kababaan ang quality nito. alam niyo na ba kung saan ito? naku, tumpak ang iyong hinala, si Baclaran nga ito. Balik tanaw tayo sa aking paglalakbay, syempre hindi mapipigilan ng mga malilikot kung mata ang magmasid. Matapos ng aking pagmamasid sa mga kung anikanik, nagparaos ako ng lakad matuntun lamang ang aking hanap, alast! nakarating din. Agad akong bumili't sabik na umuwi sa bahay lulan ng sasakyang panlupat, isang medyo malaki't(jip) at isang maliit(bisekletang pinaaandar ng gasolina na may tatlong gulong) o tricycle.

Panu ba yan aking mga taga-hanga, iitsapwera muna ako't magtatime na ulit ako dito sa kompyuter shop banda dito sa baba ng main building. oh cge na papaawat na ako. Salamat!

1 comment:

  1. The Baclaran Phenomenon is the incredible number of people who come to the Redemptorist Church in Baclaran every Wednesday to make the Perpetual Novena to Our Mother of Perpetual Help. It is estimated that at least 100,000 devotees come on regular Wednesdays, reaching about 120,000 on the First Wednesday of each month. The biggest turnout of the year is on Ash Wednesday. The crowd for that day simply defies estimate.

    Baclaran Church Official Website

    ReplyDelete